Pagpaparaya

Naranasan nyo na ba yung sitwasyon na, single ka free sa lahat ng bagay.. tapos may isang taong darating at magtatapat ng nararamdaman sayo, nakaramdam ng pagka love at first sight simula ng makita ka nya? ang saya at ang sarap sa pakiramdam, ikinikwento nya kung paano ka nya nakita, at paano ka nya iniisip simula ng makita ka nya.. pero ang mahirap, meron syang ka relasyon sa mga oras na ito. naisip mong lumayo, magtago kahit na alam mong taken pa ito pero sa pagiging tapat nya ng nararamdaman sayo, nagustuhan mo na rin sya, ipinapakita nya yung nararamdaman nya, kahit aware ka na meron pa syang iba, yun bang kahit pigilan mong lumayo? di ka makakatakas sa lakas ng attraction at affection na binibigay nya sayo, na kahit ayaw ng isip mo pero sinasabi ng puso mo na wag mong itigil to. Ang hirap pigilan, sa una pinilit ko naman eh, nagwalang bahala ako, umiwas, pero di ko rin natiis, hanggang sa nagkahiwalay sila ng karelasyon nya na sinasabi niyang matagal nya na itong gustong hiwalayan, pero sa isip ko napagtibay lang lalo ang desisyon nyang hiwalayan itong karelasyon nya sa mga araw na to dahil sa akin, ang hirap ng sitwasyon kapag dahil sayo kung bakit sila naghiwalay, pero isinisiksik sa utak mo na wala kang dapat ipag alala at di mo kailangan sisihin ang sarili mo dahil matagal na daw nya itong gustong hiwalayan, pero ang totoo alam ko isa ako sa naging dahilan, mali ako.. alam ko dahil sa mga panahon nagkagusto sya, iniwasan ko at nag tanga tangahan sa mga patama nyang gusto nya ko, pero sa bandang huli nahulog din ako… at hindi ako nakabangon ng madali sa pagkakahulog ko.. hanggang sa nagkaroon kami ng pagkakataon na magpakita ng pagmamahal sa isa’t isa kahit panandalian lang, sa mga panahong masaya kami, nag isip ako na di ko dapat ituloy to dahil mali, maling mali… alam kong mahal pa sya ng dati nyang ka relasyon at di basta basta mawawala ang pagmamahal nila sa isat-isa basta basta, lalo pa kung sila mismo parehas ayaw bumitaw sa isa’t isa.. at mali rin naman na di nya ko palayin, at hayaang dalawa kaming babae sa buhay nya, kaya kailangan kong magparaya, at gawin ang nararapat at tama, kaya ito ako ngayon kailangan maging malakas. kailangan maging matapang sa pagharap ng anu mang klaseng pagsubok sa buhay.. Alam ko na hindi man ngayon, mahahanap ko din ang taong makakapag pasaya sakin ng lubos at nag iisa lang ako pagdating sa kanyang puso..

I just wanna keep on loving you <3 Reo

Experimental (Test)

cute neto :)

cute neto :)

Flames to dust!

Lovers to Friends..

Why do all good things come to an end!!

Posts I Like